// Wasser Septage Management Program
What is septage?
Septage is what is inside your septic tank. It means the sludge produced on individual onsite wastewater disposal systems, principally septic tanks and cesspools.
It includes solids and liquids that come from your toilet, sinks, kitchen and laundry. It refers to the partially treated waste stored in a septic tank. It includes all household wastes that are disposed of through a home's plumbing system and are not drained out into the soil or converted to gases by the bacteria in the tank.
Septage consists of solids and liquids that come from toilets, sinks, kitchens, and laundry. It is also defined as a liquid or semisolid that includes normal household wastes, human excreta, and animal or vegetable matter in suspension or solution generated from a residential septic tank system.
Is septage dangerous?
Yes. Sewage from your house and septage from your septic tanks contain pathogens, such as E. coli, that can make you and your family not feeling well. It can cause serious health problems in your community and a great deal of damage to every part of the ecosystem in the event that it floods or leaks into the groundwater or other bodies of water. Regular desludging, cleaning and the proper maintenance of septic tanks help prevent the contamination of water sources and the health risks it will cause.
What is septage management?
It is the program of WASSER WATER, in close partnership with the Local Government Unit of San Isidro, Nueva Ecija, in the desludging (emptying) of septic tanks, transporting and the proper treatment and disposal of the by-products of wastewater (effluent) and biosolids (sludge) taken out from those septic tanks so these can be disposed of without causing any harm to the environment.
Why do we need septage management?
Septage is not only smelly. It can also contaminate water sources and spread water-borne diseases. You can take care of your septic tanks by having it drained and cleaned by a duly accredited service provider. Septage must be treated properly prior to disposal to avoid serious environmental and health hazards to you, your community and the environment.
Is septage required by law?
Yes. The Philippine Clean Water Act of 2004 (Republic Act No. 9275 March 22, 2004) requires all local government units to implement septage management program.
How much will this service cost me?
- Only Residential type accounts are charged with Septage fee.
- Septage fee is calculated at 5.5 pesos per cubic meter consumption.
- The maximum consumption chargeable with Septage fee is 35 cubic meter (so a consumption of 100 cubic meter for example, is charged only with 192.5 pesos Septage Fee).
- If the consumption is less than 10 cubic meter, the Septage Fee is calculated as if the consumption is 10 cubic meter.
ANO ANG SEPTAGE?
Ang septage ay ang laman ng ating septic tank kasama ang lahat ng dumi na galing sa ating kasilyas, kusina, at lababo.
DELIKADO BA ANG SEPTAGE?
Oo. Ang septage ay may dalang bakterya na pwedeng makaapekto sa kalusugan ng ating mga pamilya. Kung ito ay papabayaang dumaloy sa ating mga ilog, bukal, at ibang yamang tubig, maaari itong magdulot ng seryosong pagkakasakit sa ating komunidad.
ANO ANG SEWAGE AT SEPTAGE MANAGEMENT?
Ito ang programa ng pamahalaan na naglalayon na mapangasiwaan ang kalidad ng mga yamang tubig kung saan bawat lokal na pamahalaan ay dapat magkaroon ng ordinansa ukol sa regular na paglilinis ng septic tank o ng pozo negro. Sapagkat ang septage o dumi mula rito ay maaring magdulot ng kontaminasyon sa ating mga yamang tubig at maging sanhi ng pagkalat ng sakit.
BAKIT KAILANGAN ANG SEWAGE AND SEPTAGE MANAGEMENT?
Sapagkat ang septage o dumi mula sa pozo negro ay delikado lalung-lalo na kapag ito ay humalo sa ating mga katubigan. Ito ay maaaring magdulot ng malubhang sakit gaya ng typhoid, diarrhea, at cholera.
ITO BA AY MINANDATO NG GOBYERNO?
Oo. Ito ay ayon sa "Clean Water Act of 2004", lahat ng mga lokal na pamahalaan ay may obligasyong ipa-implement ang Sewage and Septage Management Program sa mga lugar na walang piped sewage system. Dahil dito, ang Munisipyo ng San Isidro ay nagpatupad ng Municipal Ordinance No. 1 Series of 2020 (Proper Septage Management System in the Municipality of San Isidro, Nueva Ecija) alinsunod sa nasabing batas. Ayon sa ordinansang ito, kailangang lahat ng septic tanks ay malinisan kada limang (5) taon para sa residential na gusali at kada tatlong (3) taon para sa commercial na gusali.
MAGKANO ANG BABAYARAN PARA SA SERBISYO?
Ang halaga ng desludging ay mas mura kumpara sa sinisingil ng mga ibang pribadong kumpanya. Ang mga residential accounts ay ibabase sa di bababa sa 10 cubic meter hanggang 35 cubic meter ng aktuwal na konsumo, alinman ang mas mababa sa halagang PhP 5.50 per cubic meter na babayaran sa loob ng limang taon.
Halimbawa: Residential Accounts (payable in 5 years)
SAAN MAGBABAYAD AT ANO ANG PARAAN NG PAGBABAYAD?
Alinsunod sa Tripartite Agreement sa pagitan ng San Isidro LGU, Soliman E.C., at ng Wasser Water Supply and Distribution System, Inc., ang inatasang mangolekta ng iyong buwanang bayad para sa programa na ito ay ang Wasser Water Supply and Distribution System, Inc. Ito ay magiging bahagi ng inyong water bill.
PWEDE BANG HINDI MAGBAYAD ANG ISANG CUSTOMER?
Lahat po ng naka konekta sa Wasser Water Supply and Distribution System, Inc. ay obligadong magbayad para sa serbisyo ng pagsipsip ng mga pozo negro. Layunin ng programang ito na linisin ang lahat ng septic tanks sa nasasakupan ng lalawigang ito.
Kung mayroon pa kayong mga katanungan, maaaring tumawag sa:
0946-063-9930
0919-268-1931
solimanec.waters@gmail.com